Marami ang nagtatanong kung bakit hindi nakapunta si Nick Carter sa libing ng kapatid na si Leslie Carter. Ayon sa balita, may tampo si Nick Carter sa kanyang pamilya dahil mukhang sila pa mismo ang gumawa ng dahilan para hindi sya makapunta sa libing ng kapatid. Apat na araw matapos mamatay ang kapatid na babae ni Nick Carter ay nagkaroon na ito ng funeral service sa New York. Si Nick Carter ay kasalukuyang nasa concert tour nang maganap ang insidente. Bago ang libing ng kapatid ni Nick Carter ay nagkaroon muna ng service para balikan ang naging buhay ni Leslie Carter.
Sa araw ng libing ni Leslie Carter ay mayroon namang concert sa Atlantic City si Nick Carter kaya hindi umano nakapunta ang pop singer. Gusto umano umattend ni Nick Carter sa libing ni Leslie Carter pero hindi sya nabigyan ng pagkakataon. Nagpasalamat si Nick Carter sa mga kaibigan at fans na nagdasal sa pagkawala ng kapatid. Samantala, sa open-casket service ni Leslie Carter ay sinabi ng isa sa mga kaibigan nya na love at first sight umano ang nangyari nang makilala ni Leslie Carter ang asawa nito. Drummer umano ng banda ni Leslie Carter ang kanyang naiwan na asawa na si Mike Ashton.
Ayon sa ibang source pakiramdam ni Nick Carter ay ginawa ng pamilya nya ang lahat para hindi sya makapunta sa libing ng kapatid na si Leslie Carter. Itinanggi naman ito ng mga kapamilya ni Nick Carter at Leslie Carter. Marami ang nasurpresa at itinuloy pa rin ni Nick Carter ang concert matapos mamatay ang kapatid. Ayon umano sa kaibigan ni Nick Carter
bago pa ang kanyang show ay ayaw umano makipag-usap ng binata sa kahit kanino. Sinigurado naman ng kaibigan ni Nick Carter na kahit hindi nagsasalita ang singer ay okay naman daw ito.
Kahit wala si Nick Carter ay nandoon naman ang kapatid na si Aaron para muling alalahanin ang kapatid na si Leslie Carter. Ayon sa kanya si Leslie Carter ay laging nakasuporta sa kanya kahit ano man ang mangyari. Ayon sa stepmother nina Nick Carter ay may history ng mental illness at nasa kalagitnaan nang gamutan si Leslie Carter. Noong umaga raw nang pagkamatay ni Leslie Carter ay mukha itong depressed.
Pagkatapos magpahayag ni Nick Carter na hindi sya makakapunta sa libing ng kapatid na si Leslie Carter ay dinagdag nya pa na pinipilit nyang maging positibo at focus sa mga nangyayari. Napabalitang si Nick Carter ay pumunta nalang ng Super Bowl party sa Boston kung saan sya nagperform. Si Nick Carter ay may commitment pa sa New York, New Jersey at Pennsylvania para sa kanyang concert tour kasama ang iba pa nyang kaibigan sa Backstreet Boys.
Facebook Page
Google Plus Page
Twitter Profile