Naging guest si Justin Theroux sa show ni Ellen para magpromote ng kaniyang pelikula na Wanderlust. Hindi napigilan ng aktor na si Justin Theroux sa pag breakdance nito sa show sa The Ellen DeGeneres Show at nagpakitang gilas sa harap ng mga audience. Ayon pa kay Justin mayroon daw siyang espesyal na sapatos para sa pag breakdance at binigay ito ng girlfriend niyang si Jennifer Aniston.
Paliwanag pa ng aktor ay nang mapanood ng girlfriend ang pelikulang Zoolander ay naging obsessed umano itong makita si Justin na nagbe-breakdance. Dagdag pa ng Wanderlust na bida ay nag breakdance na umano siya sa kasal ng kaniyang kaibigan. Hindi raw siya makapagsayaw kung wala ang kaniyang breaking show na binili mismo ng kaniyang girlfriend.
Sa kalagitnaan nang pag-uusap sa The Ellen DeGeneres Show ay inilabas ni Ellen ang sinasabing breaking shoes ni Justin Theroux at binigay ito sa kaniya. Nagsimulang mag breakdance ang actor habang nagpapalakpakan ang mga audience. Itinanggi naman ng nobya ni Justin na nagsimula ang kanilang relasyon dahil sa pagkikita nila sa Wanderlust. Matagal na umanong magkakilala si Justin Theroux at Jennifer Aniston bago pa magsimula ang pelikula. Aminado naman ang aktor na ang pag breakdance ang isa sa mga ginagawa niya para ma-impress ang kaniyang girlfriend.
Napapabalita rin na interisadong mag ampon si Justin Theroux ng isang aso at ayon sa ibang source napili niya ang isang pitbull-boxer mix na pinangalanang Sophie. Tuwang tuwang ikwinento ni Justin kay Ellen ang kaniyang bagong alagang aso. Si Sophie umano ay parang katatapos lang manigarilyo dahil nakakaaliw ang mukha nito. Dagdag pa niya
na naiintindihan niya ang mga taong interisado sa relasyon nila ng nobya ngunit ayaw niya lang umano umabuso ang mga tao na alamin pa kung ano ang nangyayari sa kanilang relasyon. Hindi inakala ni Justin Theroux na mapapasayaw siya sa national TV at sa The Ellen DeGeneres Show kung saan kilala sa pagkakaroon ng maraming surpresa sa kanilang audience at guests. Matapos ang breakdance ng aktor ay ipinakita ang video sa kaniya kung saan kitang kita sa kaniyang mukha ang hiya at tuwa sa ginawang pagsayaw sa maraming tao.
Facebook Page
Google Plus Page
Twitter Profile