Drew Carey Pinagsawaan na Ang Fiancée na si Nicole Jaracz?

Ang host ng The Price Is Right na si Drew Carey ay tuluyan nang kinansela ang engagement sa fiancée na si Nicole Jaracz. Limang taon nagsama si Drew Carey at Nicole Jaracz at ngayon nga ay kinansila ang engagement. Matatandaang may isang anak si Drew Carey kay Nicole Jaracz at kinumpirma ng kampo ng host na patuloy parin ang magiging relasyon ni Drew Carey sa bata.

Noong 2007 ay binalita mismo ni Drew Carey ang engagement kay Nicole Jaracz. Sa mga oras na yun ay grumaduate ang fiancée ni Drew Carey na si Nicole Jaracz sa culinary school. Noong mga panahong yun ay sinabi ng kampo ni Drew Carey at fiancée na si Nicole Jaracz na ang dalawa ay masayang-masaya sa mga nangyari.

Noong taong 2010 ay nagbawas ng malaking timbang si Drew Carey na kilala bilang mataba at malaking tao. Ayon kay Drew Carey ay inspirasyon nya ang pagbawas ng timbang si Nicole Jaracz at ang kanilang anak na si Connor. Marami ang nagulat sa pagbabagong anyo ng host na si Drew Carey at inamin nya naman na matagal nya nang gustong magpapayat dahil gusto nya pang makita magtapos ng high school ang anak nila ni Nicole Jaracz.

Hindi pa nagtatagal ang pag kansela ng engagement ni Drew Carey kay Nicole Jaracz ay agad na itong nakitang may babaeng kasama sa isang soccer game. Ang aspiring actress na si Kelley Whilden ay nagpost ng litrato ni Drew Carey at sarili sa kanyang Twitter account na mukhang masayang masaya ang dalawa. Hindi pa nagtapos ang sweet na litrato ni Drew Carey at ng batang aktres dahil nasundan pa ito ng picture nilang dalawa na magkasama sa isang private jet.

Nang matapos ang announcement ng engagement nina Drew Carey at Nicole Jaracz ay walang napabalitang petsa ng kanilang kasal at nanatiling fiancée si Nicole Jaracz ng sikat na TV host sa loob ng limang taon. Wala paring kumpirmadong sagot kung bakit kinansela ang engagement ni Drew Carey sa fiancée kung kaya nananatiling malaking katanungan sa mga tao kung may third party bang dahilan ang hiwalayan.

Posted in Drew Carey | Tagged , , , , , | 1 Comment
  • http:melavilaalarilla.blogspot.com Mel Avila Alarilla

    Life is like that in America. They treat marriage as a common commodity that one can exchange when one is bored with it. Thanks for the post. God bless you always.