Amy Winehouse, nainsecure nga ba kay Adele?

Bago pa pumanaw ang sikat na British singer na si Amy Winehouse noong 2011 ay alam na umano nito ang umuusbong na pagsikat ng kapwa British na si Adele. Ayon sa kaibigan ni Amy, gustong-gusto raw nitong sundan ang kaniyang 2006 album na Back to Black bago pa siya pumanaw. Sa mga oras na iyon ay hindi maganda ang estado ng kalusugan ni Amy Winehouse dahil sa mga pinagdaanan nito sa pagtanggal ng alkohol sa kaniyang sistema. Aniya, ang paglabas umano ni Adele sa industriya ng musika ay naging dahilan para matakot si Amy at hindi mapakali. Gusto naman daw ni Amy Winehouse si Adele pero nakaramdam umano ito ng kumpetisyon sa kapwa singer. 

Continue reading

Posted in Adele, Amy Winehouse | Tagged , , | Leave a comment

Janelle Evans, Gary Head engaged na

Ang Teen Mom star na si Janelle Evans ay engaged na sa kaniyang kasalukuyang nobyo na si Gary Head. Kamakailan lang ay napabalitang nakipaghiwalay umano si Janelle kay Gary at gumawa pa ng isang video kung saan ipinakita niya na siya  ay galit na galit sa binata. Sa litratong inilabas ni Janelle sa kaniyang Twitter account ay sinabi niyang magpapakasal na sila ni Gary Head noong umaga na tinanggap niya ang kaniyang engagement ring. Ayon sa mensahe ni Janelle Evans, siya na raw ang pinakaswerteng babae dahil parte ng kaniyang buhay ang binatang si Gary.

Continue reading

Posted in Janelle Evans | Tagged , , , , | Leave a comment

John Mayer, nag-mature na daw

Matagal-tagal na ring hindi nakita ang singer na si John Mayer sa harap ng telebisyon at ngayon ay muli siyang nagbabalik sa isang panayam kay Ellen DeGeneres. Isang taon na ang nakalilipas matapos ang huling interview kay John. Ngayon ay nilinaw niya sa programa ni Ellen na hindi na siya ang dating John na nakilala ng mga tao. Ayon kay John Mayer, ang mga nagawa niyang interview sa Playboy at Rolling Stone noong 2010 ay ang dahilan kung bakit niya naisip na maging mas mature. 

 

Continue reading

Posted in Ellen Degeneres, John Mayer | Tagged , , | Leave a comment

American Idol, ayaw mawala si Jennifer Lopez sa show

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng isa  na namang season ng American Idol ay pinangangambahan ang pag-alis ng judge na si Jennifer Lopez. Nabanggit ni JLo sa kaniyang panayam na hindi siya sigurado kung babalik pa siya sa naturang programa sa bago nitong season. Nilinaw ni Jennifer Lopez na abala siya sa kasalukuyan lalong-lalo na at nalalapit na ang kaniyang concert tour. Ayon sa exective producer ng American Idol, gusto nilang bumalik si Jennifer Lopez sa pagiging hurado nito.

Continue reading

Posted in American Idol, Jennifer Lopez | Tagged , , | Leave a comment

Rihanna, J.R. Smith may relasyon na?

Mukhang makulay na naman ang buhay pag-ibig ng singer na si Rihanna dahil balitang nagkakamabutihan sila ng New York Knicks basketball player na si J.R. Smith. Ang 24-taong-gulang na si Rihanna at si J.R. ay nagkaroon di umano  ng pagkakataon na magkita sa isang nightclub sa New York City. Ayon sa mga nakakita kay Rihanna at J.R. Smith naging sweet umano ang dalawa sa isa't-isa at nakita pa na magkahawak ang kanilang mga kamay habang nagsasaya sa bar.

Continue reading

Posted in J.R. Smith, Rihanna | Tagged , , | Leave a comment

Kim Kardashian, gusto na magkaroon ng anak

Sa isang episode ng reality show ni Kim Kardashian ay nabanggit niya dito na gusto niya na magkaroon ng sariling anak. Ito ay naganap noong siya ay kasal pa sa basketbolistang si Kris Humphries noong nakaraang taon. Samantala, matapos ang balitang lalabas umano ang nobyo ng dalaga na si Kanye West sa ilang episode ng kaniyang reality show ay igniit ng dalaga na hindi na siya masyadong magiging bukas patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig.

Nilinaw din ni Kim na hindi sila makikitang naliligo sa bath tub kasama ang kaniyang nobyong si Kanye. Madalas na ring mamataan si Kanye West at Kim Kardashian na malambing sa isa't-isa kahit pa sila ay nasa pang publikong lugar. 

Continue reading

Posted in Kanye West, Kim Kardashian | Tagged , , | Leave a comment

Mariah Carey, Britney Spears may away

Isa raw si Mariah Carey sa mga pinagpilian umano ng mga producers ng TV talent show na The X Factor  na maging hurado pero hindi nagtagal ay binitiwan naman ang kaniyang pangalan. Matapos nito ay kinuha naman ng naturang show si Britney Spears bilang isa sa mga magsisilbing hurado ngayong season.

Paliwanag ni Mariah Carey, wala raw siyang pakialam sa pagiging hurado ni Britney Spears na balitang nakatanggap ng halos $15 million deal. Ayon sa isang panayam ni Mariah ay nabanggit nito na ayaw niyang maiugnay ang kaniyang pangalan sa naturang programa.

Continue reading

Posted in Britney Spears, Mariah Carey | Tagged , , | Leave a comment

Jay-Z, pabor sa gay marriage

Katatapos lang ipagdiwang ni Jay-Z ang kanilang kasal ng asawang si Beyonce Knowles at sinigurado ng rapper/producer na lahat ng magkarelasyon ay magagawa rin ito kahit ano pa mang klase meron ang kanilang pagsasama. Ipinahayag ni Jay-Z ang kaniyang suporta sa gay marriage noong nakaraang Budweiser music festival press conference na naganap sa Philadelphia.

Ayon sa rapper, ang usaping gay marriage ay matagal nang pumipigil sa bansang Estados Unidos. Dagdag ni Jay-Z, kung ano raw ang ginagawa ng mga tao sa kanilang sariling tahanan ay huwag na raw sanang pakialaman pa ng iba. Ang mga tao raw mismo ang dapat mamili kung sino ang kanilang gustong mahalin. Ang pagtutol umano sa gay marriage ay para ring pang-aapi sa mga black Americans na katulad niya.

Continue reading

Posted in Jay-Z | Tagged , , | Leave a comment

Bristol Palin, may bagong reality show kasama si Tripp

Inilabas na ang promo picture ng bagong reality show ni Bristol Palin kung saan makakasama niya ang kaniyang tatlong-taong-gulang na anak na si Tripp. Ang naturang relaity show ay may pamagat na Bristol Palin: Life's a Tripp ay ipapalabas ng Lifetime channel. Ayon sa dalagang ina na si Bristol, handang-handa na umano siya ipakita sa mga manonood kung gaano kasaya ang maging ina ni Tripp at kung gaano kabait ang kaniyang pamilya.

Hindi rin umano sang-ayon ang mga magulang ni Bristol Palin partikular ang kaniyang inang Republican na si Sarah Palin. Pero hindi nagtagal ay pinayagan na umano sila ni Tripp na gawin ito dahil alam naman daw ng mag-asawa na responsable ang kanilang panganay na anak.

Continue reading

Posted in Bristol Palin | Tagged , , | Leave a comment

Linda Hogan, hiwalay na sa batang nobyo

Tuluyan nang naghiwalay ang makontrobersiyang magkasintahan na sina Linda Hogan at kaniyang batang-batang nobyo na si Charley Hill. Gumawa ng ingay sina Linda at Charley dahil sa kanilang halos 30 taong deperensya sa edad. Bago pa ang hiwalayan ay matatandaang nagkaroon pa ng engagement sa pagitan nina Linda Hogan at Charley Hill. Si Linda ay kilalang dating asawa ng wrestler na si Hulk Hogan. Noong taong 2010 ay nag-propose umano ang 23-taong-gulang na si Charley sa kaniyang 52-taong-gulang na nobya.

Continue reading

Posted in Linda Hogan | Tagged , , , | Leave a comment